^

PSN Palaro

Ateneo giniba ang La Salle

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ateneo giniba ang La Salle
Sinubukang pigilan ni Thirdy Ravena ng Ateneo ang tira ni Kib Montalbo ng La Salle.
Kuha ni Joey Mendoza

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. UP vs. NU (M)

4 p.m. ADU vs FEU (M)

MANILA, Philippines — Nagparamdam ang nag­dedepensang Ateneo Blue Eagles sa seryosong asam na back-to-back title matapos tambakan ang De La Salle Green Archers, 71-55, kahapon sa pagpa­patuloy ng Season 81 UAAP men’s basketball tour­nament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mula sa pitong puntos na bentahe sa first half, lumobo ito sa pinakamala­king 18 puntos, 66-48, mula sa three-point play ni Angelo Kouame kay Kib Mon­talbo sa huling 2:11 mi­nuto sa fourth period.

Sinamantala rin ng Blue Eagles ang 27 turnovers ng 80th season runner-up na Green Archers na kanilang na-convert sa puntos.

Kahit sa kanilang run-and-gun game ay gumawa lamang ang Blue Eagles ni coach Tab Baldwin ng 12 turnovers sa buong laro.

Umani si Kouame ng 20 puntos, 13 rebounds, 5 blocks at 3 steals para pa­­ngunahan ang pang-li­mang sunod na panalo ng Blue Eagles at manatili sa ikalawang puwesto sa 5-1 kartada sa likuran ng na­ngunguna at wala pang talong Adamson University Falcons (5-0).

Ang Green Archers na pinangunahan ni Aljun Melecio sa kanyang 23 puntos at 6 assists ay bumaba sa solo fourth spot sa 3-3 mar­ka.

Sa iba pang laro, sinandalan ng University of Sto. Tomas Growling Tigers ang three-point zone para pataubin ang University of the East Red Warriors, 80-66, at masungkit ang ika­lawang panalo sa anim na laro.

Kumonekta ang Grow­ling Tigers ng kabuuang 16 triples, lima rito ay mula kay Renzo Subido, habang may tig-tatlo sina Mar­vin Lee at  CJ Cansino at tig-dalawa naman sina Kenneth Zamora at Joshua Marcos upang lalong ibaon ang Red Warriors ni coach Joe Silva sa ilalim ng stan­ding sa 1-5.

Ang tanging panalo pa lamang ng Red Warriors ay sa FEU Tamaraws, 90-65, noong Setyembre 30.

Kahit si Zach Huang ay umiskor rin ng isang tres pa­ra tulungan ang España-based team na tuldukan ang kanilang three-game lo­sing skid.

Tumapos si Subido na may 22 puntos at si Cansino ay gumawa ng double-double sa kanyang 17 puntos at 17 rebounds bukod sa 4 assists at 1 block para sa UST ni coach Al­din Ayo na bumangon mu­la sa 72-99 pagkatalo sa Green Archers noong Oktubre 3.

“Pinaghandaan talaga namin ito,” sabi ni Cansino.

vuukle comment

ATENEO VS LA SALLE

SEASON 81 UAAP MEN’S BASKETBALL TOUR­NAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with