^

PSN Palaro

FEU, La Salle hinatak ang 3-way tie sa No. 2

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
FEU, La Salle hinatak ang 3-way tie sa No. 2
Inilampaso ng Ta­ma­raws ang University of the Philippines Fighting Maroons, 89-73 habang pinataob naman ng Green Archers ang University of the East Red Warriors, 82-72 sa ikalawang laro para hablutin ang 2-1 win-loss slate katabla ang nagdedepensang kampeong Ateneo sa No. 2 spot sa likuran ng nangungunang Adamson (3-0).
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kapwa umiskor ng impresibong panalo ang Far Eastren University at De  La Salle University sa kani-kanilang kalaban  sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Inilampaso ng Ta­ma­raws ang University of the Philippines Fighting Maroons, 89-73 habang pinataob naman ng Green Archers ang University of the East Red Warriors, 82-72 sa ikalawang laro para hablutin ang 2-1 win-loss slate katabla ang nagdedepensang kampeong Ateneo sa No. 2 spot sa likuran ng nangungunang Adamson (3-0).

Lima sa 12 players na ginamit ni head coach Olsen Racela ang umani ng double-digits sa pangu­nguna nina Prince Orizu at Arvin Tolentino para buhatin ang Recto-based squad sa panalo.

Sa simula pa laman ng laro ay agad  na umarangkada ang Tamaraws ng 8-0 run tungo sa 14-point bentahe sa first half, 49-35.

Ipinagpatuloy nina Orizu at Tolentino sa sumunod na yugto ang matikas na laro kung saan umabot sa 23 puntos ang agwat ng FEU para bumangon sa kanilang 74-76  kabiguan sa UST no­ong Sept. 12.

“It was a defensive game para sa amin. Yung opensa namin, bonus lang. Good job by everyone, the players stuck to our gameplan,” sabi ni coach Racela.

Umiskor si Orizu ng 15 puntos sa 7-of-7 shooting na may kasamang pitong rebounds habang si Tolentino ay tumulong ng 13 puntos at 12 naman mula kay Wendell Comboy.

 Ang Fighting Maroons na pinangunahan ni Javi Gomez de Liaño sa kanyang 15 puntos ay bumaba sa three-way tie mula pang-lima hanggang pang-pitong puwesto kasama ang NU Bulldogs at UST Tigers sa parehong 1-2 record.

Sa kabilang banda, pinangunahan ni Justine Baltazar ang Green Archers sa kanyang 16 puntos, 14 rebounds at tatlong blocks.

vuukle comment

UAAP SEASON 81

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with