^

PSN Palaro

Timeout

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Timeout

Umurong si Floyd Mayweather sa rematch nila ni Manny Pacquiao sa December.

Ang usap-usapan ay gusto munang mag-tune-up fight ng undefeated na Amerikano bago niya labanan ulit si Pacquiao.

Naisip siguro ni Floyd na alanganin siya kung agad-agad niyang lalabanan si Pacquiao.

Mahigit isang taon na mula nang huling lumaban si Floyd kontra Conor McGregor. At sa retirement, wala siyang ginawa kundi ikutin ang mundo.

Si Pacquiao naman, kakagaling lang sa knockout win kay Lucas Matthysse nung July sa Kuala Lumpur.

Maganda ang takbo ng makina ni Pacman.  At baka pumalya ang kay Floyd.

Kaya nag-announce si Floyd  na wala munang Pacquiao rematch sa December at ang balita ay kukuha muna siya ng tune-up fight.

Ganun din siguro si Pacquiao na malamang ay humanap muna ng ibang kalaban para sa December o January.

Sa Mayo na siguro magaganap ang Mayweather-Pacquiao 2.

Walang problema kay Pacquiao dahil hindi naman siya ang naglabas ng hamon para sa rematch

Si Mayweather ang nagsabi nito kaya siya rin ang kumain sa sarili niyang salita.

Easy fight pa ang tinawag ni Floyd sa rematch.

Easy money din daw.

Pero nang mahimasmasan, uurong din pala.

Timeout ang hirit ni Floyd.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with