^

PSN Palaro

Adamson lider na

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Adamson lider na
Na-trap si Papi Sarr ng Adamson sa depensa nina Christopher Conner at Allan Beltran ng UE sa aksyong ito sa UAAP
Joey Mendoza

 MANILA, Philippines — Humataw ng 27 puntos si Sean Manganti upang iangat ang Adamson Soaring Falcons sa 90-76 panalo kontra sa University of the East Red Warriors kahapon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dahil sa career-high performance ni Manganti kabilang na ang 22 sa second half, nasungkit ng Soaring Falcons ang top spot sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Ngunit, hindi naging madali ang panalo ng tropa ni coach Franz Pumaren dahil lumamang pa ang Red Warriors, 28-25 sa basket ni Alvin Pasaol sa kalagitnaan ng ikalawang yugto.

Bumawi naman agad ang Soaring Falcons ng 17-0 run sa pangunguna ni Jerrick Ahanmisi upang umangat sa 42-28 bentahe ilang minuto na lang ang nalalabi sa ikalawang yugto.

“They’re accepting their respective roles as leaders. I mentioned to them that the young guys will follow them if they play well,” ani Adamson coach Pumaren patungkol kina Manganti at Ahamnisi.

Tumapos si Ahanmisi ng 17 puntos habang si Papi Sarr ay tumulong ng 15 puntos at 21 rebounds para sa 2-0 umpisa ng Adamson, ang kanilang pinakamaganda  na  simula 2003.

Sa kabiguan ng Red Warriors, nasayang ang 36 puntos ni Pasaol na may kasamang 11 rebounds at dalawang assists.

Sa ikalawang, inilaglag ng La Salle ang National University makaraang gibain ito sa iskor na 80-76.

 Samantala, nagwagi ang De La Salle Lady Archers, 64-61 laban sa UE Lady Warriors habang naka-eskapo naman ang Adamson Lady Falcons kontra sa Far Eastern University Lady Tamaraws, 59-55 sa women’s divisio.

vuukle comment

SEAN MANGANTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with