^

PSN Palaro

Adamson, NU magpapakatatag

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Adamson, NU magpapakatatag
Haharapin ng Bulldogs ang De La Salle Green Archers sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laban ng Adamson Soaring Falcons kontra sa University of the East Red Warriors sa alas-2.
File Photo

Laro Ngayon (MOA Arena)

2 p.m. Adamson vs UE

4 p.m. NU vs La Salle

MANILA, Philippines — Hangad ng National University at Adamson na manatili sa sosyohan sa liderato sa magkahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Haharapin ng Bulldogs ang De La Salle Green Archers sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laban ng Adamson Soaring Falcons kontra sa University of the East Red Warriors sa alas-2.

Tangan ng Bulldogs at Soaring Falcons ang parehong 1-0 win-loss kartada para pagsaluhan ang top spot sa standing habang ang Green Archers at Red Warriors ay nabaon sa ilalim ng standing sa parehong 0-1 card.

Kaya sa laban ng mga nasa ibabaw kontra sa mga nasa ilalim, paborito ang Bulldogs at Soaring Falcons na magwawagi.

Ang unang panalo ng Adamson ay sa Ateneo, 74-70 noong Setyembre 9 habang nagwagi naman ang Bulldogs kontra sa UST Growling Tigers, 75-70 noong Setyembre 8 kung saan nag-ambag ng kabuuang 29 puntos ang magkapatid na sina Shaun  at Dave Ildefonso habang ang Fil-Am na si Troy Rike ay tumapos ng anim na puntos at pitong rebounds.

Inaasahang pangungunahang muli ng dalawang Ildefonso, mga anak ni dating two-time PBA MVP Danny Ildefonso, ang Bulldogs para makopo ang ikalawang sunod na panalo at manatili sa liderato.

Makakaharap ng Bulldogs ang Green Archers na gusto ring bumawi sa kanilang 61-68 talo sa FEU Tamaraws noong Setyembre 9.

Sa iba pang laro, asam din ng UE Red Warriors na bumawi sa 58-87 talo sa UP Fighting Maroons noong Setyembre  8, ngunit determinado rin ang Adamson ni coach Franz Pumaren na sungkitin ang ikalawang sunod na panalo.

vuukle comment

SEASON 81 UAAP MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with