^

PSN Palaro

M'Weather payag na sa rematch

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
M'Weather payag na sa rematch
Tila iniinis ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao nang magkita ang dalawa sa Tokyo kung saan sinasabing pinag-usapan ang kanilang rematch.

MANILA, Philippines — Kung walang magiging balakid ay inaasahang matutuloy ang inaabangang rematch nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at American boxing legend Floyd Mayweather Jr.

Ito ay matapos ihayag ni Mayweather ang pagpayag na muling labanan ang 39-anyos na si Pacquiao matapos magkita sa Tokyo, Japan noong Sabado.

Idinaan ito ng 41-anyos na si Mayweather sa kanyang Instagram account kung saan ipinoste niya ang isang video ng pagharap niya sa isang karibal.

Sa nasabing video ay sinabi ni Mayweather, nagdadala ng perpektong 50-0- win-loss-draw ring record kasama ang 27 knockouts, na hindi na niya tatanggapin ang anumang magiging dahilan ni Pacquiao, may bitbit na 60-7-2 kasama ang 38 KOs, kung muli niya itong tatalunin sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Matatandaang noong Mayo ng 2015 ay tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang mega showdown kinilalang bagong record.

Matapos ang laban ay binunyag ni Pacquiao na mayroon siyang iniindang right shoulder injury na nangyari dalawang linggo bago ang kanilang bakbakan ni Mayweather.

Sinasabing kumita si Mayweather ng humigit-kumulang sa $300 milyon sa kanilang super fight ni Pacquiao na tumanggap naman ng $160 milyon. Matapos ito ay tinalo ni Mayweather si Andre Berto kasunod ang paghahayag ng kanyang pagreretiro.

Sa kanyang pagbabalik sa ring ay dinomina ni Mayweather si UFC superstar Conor McGregor via tenth-round stoppage at nagbulsa ng $300 milyon.

Nanggaling naman si Pacquiao sa isang seventh-round TKO victory laban kay Lucas Matthysse para agawin sa pambato ng Argentina ang suot nitong WBO welterweight belt noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with