^

PSN Palaro

Para Games athletes tatanggap din ng insentibo sa PSC

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon
Para Games athletes tatanggap din ng insentibo sa PSC
Sinabi kahapon ni PSC chairman William ‘Butch' Ramirez na bibigyan din nila ng insentibo ang mga national athletes na makakapag-uwi ng gold, silver at bronze medal mula sa lalahukang 3rd Asian Para Games na nakatakda sa Oktubre 8-18 sa Jakarta, Indonesia.

MANILA, Philippines — Hindi lamang ang mga medalists sa nakaraang 18th Asian Games sa Indonesia ang tatanggap ng cash incentives mula sa Philippine Sports Commission.

Sinabi kahapon ni PSC chairman William ‘Butch' Ramirez na bibigyan din nila ng insentibo ang mga national athletes na makakapag-uwi ng gold, silver at bronze medal mula sa lalahukang 3rd Asian Para Games na nakatakda sa Oktubre 8-18 sa Jakarta, Indonesia.

Ang kokolekta ng gintong medalya ay bibigyan ng P1 milyon habang ang pilak at tanso ay may katumbas na P500,000 at P200,000, ayon sa pagkakasunod.

Kumpiyansa si Ramirez na may maiuuwing medalya ang mga miyembro ng 57-member delegation national team na pangungunahan ni Chef De Mission Francis Carlos Diaz.

Sa nakaraang edisyon ng Asian Para Games ay sumikwat ang mga Pinoy athletes ng limang silver at limang bronze medals sa Incheon, South Korea.

Inaasahang sasakyan ng mga atleta ang impresibong nakuhang 20 gold, 20 silver at 24 bronze medals sa nakaraang 9th ASEAN Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong nakaraang taon.

Ang siyam sa naturang ginto ay nagmula kina teenage sprint phenom Cielo Honasan at thrower Cendy Asusano na kapwa hinirang na triple-double gold winners.

Nagdomina ang 17-anyos na si Honasan sa 100m, 200m at 400m para sa T44/46 athletes habang ang 27-anyos namang wheelchair-bound na si Asusano ang nanguna sa shot put, discus throw at javelin para sa F54/55. Ngunit hindi makakalahok si Honasan ngayon dahil sa personal na dahilan.

Sina Paralympics bronze medalist Josephine Medina at powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta ang babandera sa delegasyon na sasabak sa swimming, archery, athletics, badminton, chess, cycling, judo, powerlifting, table tennis at tenpin bowling.

vuukle comment

WILLIAM ‘BUTCH' RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with