^

PSN Palaro

Sagupaan ng UE-NU; UST-UP kanselado rin

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Sagupaan ng UE-NU;  UST-UP kanselado rin
Sabi ni Season 81 President Nilo Ocampo na ang mga nasabing laro ng University of the East Warriors at National University Bulldogs at ng University of Sto. Tomas Growling Tigers laban sa University of the Philippines Fighting Maroons ay ipagpapatuloy na lang sa ibang araw.

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang malakas na buhos ng ulan na tiyak nakaapekto sa buong Metro Manila dulot ng paglipas ng bagyong Ompong, ipinagpaliban na rin ng UAAP Board Mana­ging Directors ang pagdaraos sa nakatakdang dalawang laro ngayong araw.

Sabi ni Season 81 President Nilo Ocampo na ang mga nasabing laro ng University of the East Warriors at National University Bulldogs at ng University of Sto. Tomas Growling Tigers laban sa University of the Philippines Fighting Maroons ay ipagpapatuloy na lang sa ibang araw.

Ito na ang ikalawang sunod na araw na pagkansela sa mga laro sa 91st season simula ng magbukas noong Setyembre 8 sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakansela rin ang mga laro noong Sabado dahil sa super typhoon Ompong upang matiyak ang kaligtasan ng mga manlalaro at ng mga fans ng liga.

Magpapatuloy ang aksyon sa UAAP season 81 sa Miyerkules sa pagitan ng University of the East Red Warriors at Adamson Soaring Falcons sa ala-1 ng hapon at magtatagpo rin ang De La Salle Green Archers at National University Bulldogs sa alas-4 ng hapon.

Sa ngayon, nangu­nguna ang NU Bulldogs at Adamson Soaring Falcons sa parehong 1-0 win-loss kartada kasunod naman ang nagdedepensang A­teneo Blue Eagles, FEU  Tamaraws, UP Fighting Maroons at UST Growling Tigers sa parehong 1-1  record habang ang DLSU Green Archers at UE Red Warriors ay nagsama sa ilalim ng standing sa parehong 0-1 slate.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with