^

PSN Palaro

Ceasefire

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Ceasefire
Ceasefire ang tawag ng kampo ni Pacquiao matapos siyang magbanta na magsasampa ng kaso laban sa Top Rank, ang dati niyang promoter at ESPN.
Geremy Pintolo

Isampa nga kaya ni Manny Pacquiao ang demanda laban sa Top Rank at ESPN?

Sa ihip ng hangin kahapon, mukhang hindi na.

Ceasefire ang tawag ng kampo ni Pacquiao matapos siyang magbanta na magsasampa ng kaso laban sa Top Rank, ang dati niyang promoter at ESPN.

May lamat ang relasyon nina Pacquiao at Bob Arum, at lumaki pa ito lalo ng matapos ang laban niya sa Kuala Lumpur nung July 15.

Ang sabi ng kampo ni Pacquiao, pinalabas ng Top Rank at ESPN ang laban kay Lucas Matthysse ng walang pahintulot sa ating mahal na senador.

Ang kontrata kasi ay hindi nila ito pwedeng i-broadcast sa America, Canada at Puerto Rico. Pero ito ang ginawa nila.

Kaya nang matunugan nila Uncle Bob na may planong magdemanda si Pacquiao, lumipad ang 86-anyos na promoter sa General Santos City nung  Aug. 10.

Pinapapirma si Pacquiao ng kasunduan.

Dehins pumirma si Pacman. Kaya umuwi si Arum na luhaan. Dumating ng umaga mula sa Amerika at umuwi kinagabihan.

Heto na nga at nag-announce nung isang gabi si Pacquiao na hinahanda na ang pagsampa ng demanda laban sa Top Rank at iba pa.

 Pero nang bisitahin natin si Pacman sa bahay niya sa Dasmariñas Village nung Lunes, ang bulungan sa loob ay nag-uusap na raw ang dalawang kampo.

Baka may settlement na magaganap. At siguro naman ay magandang settlement.

Kung hindi kumita si Pacquiao sa laban kay Matthysse, rito sa settlement na ito ay tiyak na kikita siya.

Milyones ang usapan dito.

Dollars.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with