Amir Khan maaaring matalo kay Pacquiao
MANILA, Philippines — Hindi porke 39-anyos na si Manny Pacquiao ay hindi na niya kayang talunin ang mga mas bata sa kanyang boksingero.
Ito ang babala ni Samuel Vargas matapos talunin ni dating British world super lightweight titlist Amir Khan noong Linggo.
“I think Pacquiao’s power is just too much. I think Pacquiao stops him. No disrespect,” wika ni Vargas (29-4-2, 14 knockouts).
Tinalo ni Khan (33-4-0, 20 KOs) si Vargas via unanimous decision sa kabila ng pagbagsak sa dulo ng second round.
Kaagad tinawag ni Khan ang pangalan ni Pacquiao (60-7-2, 40 KOs).
Ayon kay Vargas, may lakas at bilis pa ring taglay ang Filipino world eight-division champion na maaaring ikagulat ni Khan sakaling matuloy ang kanilang laban sa Disyembre.
“I just think Pacquiao is a dangerous guy. It doesn’t matter how old he is. I think Pacquiao has the edge in that one,” wika ni Vargas.
Ngunit ayaw siyang pakinggan ng 31-anyos na si Khan at inulit ang paghahamon sa 39-anyos na si Pacquiao.
“I want the biggest fights and that's where I belong,” sabi ni Khan, lumalaban sa ilalim ng Matchroom Sport ni Eddie Hearn. “Me and Eddie (Hearn) are going to sit down. There is a massive demand for it but the only fight that works for me over Kell Brook is Manny Pacquiao.”
Nabigong ayusin ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang upakan nina Pacquiao at Khan nang ang dalawa ay nasa kanya pang bakuran.
Nanggaling si Pacquiao sa isang seventh-round TKO victory laban kay Lucas Matthysse (39-5-0, 36 KOs) para agawin sa boxing star ng Argentina ang suot nitong WBA welterweight belt noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“If he had the choice he wants Pacquiao,” sabi ni Hearn kay Khan, dating sparmate ni 'Pacman' sa ilalim ni dating chief trainer Freddie Roach. “He's always wanted the Pacquiao fight.”
- Latest