^

PSN Palaro

UP Lady Maroons amoy na ang PVL crown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UP Lady Maroons amoy na ang PVL crown
Nagsilbing lider ng Lady Maroons si playmaker Ayel Estrañero na siyang nag­la­tag ng solidong plays pa­­ra kina Isa Molde, Marian Buitre at Roselyn Rosier.
Facebook.com/PVL

MANILA, Philippines — Kinubra ng University of the Philippines ang 14-25, 22-25, 26-24, 25-18, 15-5 come-from-behind win kontra sa Far Eastern University para makauna sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference best-of-three title se­ries kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nagsilbing lider ng Lady Maroons si playmaker Ayel Estrañero na siyang nag­la­tag ng solidong plays pa­­ra kina Isa Molde, Marian Buitre at Roselyn Rosier.

Nagbigay din ng mala­kas na suporta sina middle blockers Ai Gannaban at Ma­ristela Layug na naka­ga­wa ng mga krusyal na pun­tos para resbakan ang Lady Tamaraws.

Susubukan ng UP na ma­ipormalisa ang pagkopo sa korona laban sa FEU sa paglarga ng Game Two sa Miyerkules.

Samantala, naitakas ng Universi­ty of Santo Tomas ang git­gitang 25-20, 27-29, 13-25, 25-19, 17-15 desis­yon kontra sa Adamson Uni­versity upang makuha ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three, battle-for-bronze match.

Humataw nang husto si Filipino-Italian Milena Alessandrini matapos pakawalan ang 31 hits na nakuha nito mula sa 24 attacks, anim na blocks at isang ace para makalapit ang Tig­resses sa third-place trophy.

Nagparamdam rin ng la­kas si rookie sensation Eya Laure na bumanat naman ng 23 kills kabilang ang isang ace sa deciding set na nagdala sa Tigresses sa 11-9 kalamangan.

Nauwi sa 15-15 pagka­katabla ang is­kor matapos ang block ni Adamson middle hit­ter Joy Dacoron kay Alessandrini.

Subalit dalawang net touch ang nagawa ng Lady Falcons para tuluyang ipa­ubaya ang panalo sa Tig­resses.

Sa men’s division, ma­bi­lis na nakabangon ang reig­ning UAAP champion na National University sa mga pagkakamali sa first set upang itakas ang 21-25, 25-23, 25-18, 25-17 pa­nalo laban sa UST sa Game One ng kanilang title wars.

Muling naasahan ng Bulldogs sina outside hitters Bryan Bagunas at Madz Gampong.

vuukle comment

FAR EASTERN UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with