^

PSN Palaro

Closed-Door ang Gilas-Qatar game sa Setyembre 17

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Closed-Door ang  Gilas-Qatar game sa Setyembre 17

MANILA, Philippines —  Walang magagawa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kundi sundin ang direktiba ng FIBA na gawing closed-door ang pagsagupa ng Gilas Pilipinas sa bisitang Qatar sa Setyembre 17.

Ito ay isa sa mga parusang ipinataw ng FIBA sa SBP matapos ang ‘basketbrawl’ ng Gilas Pilipinas at Australia noong Hulyo 2 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sinuspinde ng international basketball federation ang 10 players ng Gilas, kabilang si naturalized center Andray Blatche, pati na sina head coach Chot Reyes at assistant Jong Uichico.

Kaya tinapik ng SBP si NLEX mentor Yeng Guiao para gabayan ang Nationals sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sasagupain ng Gilas ang Qatar sa Setyembre 17 sa Smart Araneta Coliseum matapos harapin ang Iran sa Setyembre 13 sa Azady Gym sa Tehran sa Group F.

Ang closed-door game ng Nationals at mga Qataris sa Big Dome ay mapapanood lamang ng ilang opisyales ng FIBA at SBP at limitadong miyembro ng media.

Bumuo na si Guiao ng 16-man national training pool na paghuhugutan niya ng Final 12 para lumaban sa Iran at Qatar.

Bukod sa pitong hold­overs mula sa 2018 Asian Games team ay nagsa­sanay din sa ilalim ni Guiao sina seven-footer Greg Slaughter at Scottie Thompson ng Barangay Ginebra at sina San Miguel guards Marcio Lassiter at Alex Cabagnot.

Hinihintay pa ni Guiao ang magiging desisyon ng FIBA kaugnay sa eligibility ni Slaughter bago pangalanan ang Final 12 ng Gilas.

Sa nakaraang 18th Asian Games sa Indonesia ay pinanood at pinag-aralan ni Guiao at ng kanyang coaching staff ang istilo at estratehiya ng Iran at Qatar teams.

Inaasahang muling sasakay ang Iran kina NBA veteran center Hamed Haddadi at forward Nikkhah Bahrami.

Ang iba pang mga laro sa Setyembre 13 sa Group F ay ang bakbakan ng Kazakhstan at Japan, ang home game ng Qatar laban sa Australia at ang sagupaan ng Syria at New Zealand sa Lebanon.

vuukle comment

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with