^

PSN Palaro

NLEX sinagasaan ang Northport

Pilipino Star Ngayon
NLEX sinagasaan ang Northport
Nailusot ni NorthPort guard Jonathan Grey ang kanyang layup laban kay NLEX import Olu Ashaolu.
(PBA Images)

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na harurot ng NLEX nang pataubin nito ang NortPort sa bisa ng impresibong 123-107 demolisyon upang mapatatag ang kapit sa maagang pamumuno sa Philippine Basketball Association Season 43 Go­vernors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Hindi alintana ni import Oluseyi Ashaolu ang iniinda nitong injury nang muli itong umarangkada tangan ang 27 puntos, 13 rebounds, tatlong assists at isang steal para hatakin ang Road Warriors sa ikalawang sunod na panalo.

Nakakuha si Ashaolu ng solidong suporta mula sa local players kabilang na sina Larry Fonacier at Mark Tallo na may tig-14 markers gayundin kina JR Quiñahan na naglista ng 12 points, pitong rebounds, tatlong assists, isang steal at isang block, Kenneth Ighalo na may 11 points at sina Alex Mallari at Juami Tiongson na may parehong 10 markers.

Nadugtungan ng Road Warriors ang matikas na 103-90 panalo nito laban sa Talk ‘N Text Katropa sa kanilang unang pagsalang kung saan nagrehistro rin si Ashaolu ng 33 points at 23 rebounds sa naturang laro.

Lumasap ang Batang Pier ng unang kabiguan.

Halimaw ang laro ni Rashad Woods makaraang magbuhos ito ng 42 puntos, 12 rebounds, walong assists at apat na steals gayundin si Mo Tautuaa na may sariling double-double na 20 points at 12 boards.

Ngunit hindi pa rin sapat ang pinagsikapan ng dalawa para dalhin ang Batang Pier sa panalo.

Mas mataas ang shoo­­ting percentage ng Road Warriors kumpara sa Batang Pier – 62-48 sa two-point  range at 40-33 sa rainbow territory.

Lamang din ang NLEX sa rebounds (50-46), assists (26-23), steals (10-8) at blocks (5-2). (CCo)

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with