Phl 5 may tsansa sa China--Guiao
JAKARTA -- May nakikitang pag-asa si Philippine National basketball coach Yeng Guiao sa kanyang Rain or Shine reinforced team sa kanilang engkuwentro ng China bukas sa Gelora Bung Karno (GBK) Basketball Hall.
“The signs are good but we cannot conclude yet if we really have a good team or not but I see good signs,” pahayag ni Guiao ukol sa team na binubuo ng anim na core players ng Elasto Painters na pinalakas ng Cleveland Cavalier player Fil-Am na si Jordan Clarkson.
Bukod kay Clarkson, apat sa Phl team ay nakapaglaro sa NCAA Division 1 na sina Chris Standhardinger, Gabe Norwood, Stanley Pringle at Maverick Ahanmisi.
“The quality of this team is enhanced by those credentials but the real measure is how they combine in the court. By what I’ve seen in the practice so far and in the one game we played, they’ved exceeded even my own expectations,” sabi pa ni Guiao.
Taliwas sa mga bumabatikos sa team na minadaling buuin dahil sa pag-atras abante sa paglahok, iba ang nakikita ni Guiao.
“Ganda ng laro, ganda ng chemistry ganda ng samahan nila,” ani Guiao.
Sa tingin ni Guiao, ang laban sa paboritong China para sa huling asignatura ng Pinas sa Group D ay isang malaking pagsubok ngunit ang susunod na laro ay susi kung makakalaban ang Pinas para sa podium finish.
Ngunit dahil kay Clarkson, nagkaroon ng ‘power’ ang koponan para masundan ang 96-59 panalo sa kanilang unang laban sa Group D sa Kazakhstan noong Huwebes.
- Latest