^

PSN Palaro

Pinoy Athletes kakasa na

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon
Pinoy Athletes kakasa na
Susubok ang mga fen­cers, poomsae athletes, shooters, wushu artists, wrestlers at swimmers na makasungkit ng medalya sa kani-kanilang events upang maparisan ang isang gold na produksiyon noong 2014 Incheon Asian Games sa South Korea bukod pa sa 2 silver at 11 bronzes.
KJ Rosales

20 ginto nakataya ngayon

JAKARTA — Pormal na magsisimula ngayon ang aksiyon sa 18th Asian Ga­mes kung saan 14 pang sport  ang hahataw at  mga 20-gold medals ang  pagla­labanan sa iba’t ibang ve­nues dito.

Susubok ang mga fen­cers, poomsae athletes, shooters, wushu artists, wrestlers at swimmers na makasungkit ng medalya sa kani-kanilang events upang maparisan ang isang gold na produksiyon noong 2014 Incheon Asian Games sa South Korea bukod pa sa 2 silver at 11 bronzes.

Sasabak ngayon sa Jakarta Convention Center ang men’s team nina Dustin Jacob Mella, Jeordan Dominguez at Rodolfo Reyes sa individual event ng fencing  kung saan apat na gold ang pagla­labanan-men at women’s team at individual poomsae.

Ang women’s team ay binubuo naman nina  Juvenile Faye Crisostomo, Rinna Babanto, Janna Dominguez Oliva at Jocel Lyn Ninobla na sasali rin sa individual category.

Sa parehong lugar din gagawin ang fencing kung saan dalawang gold ang paglalabanan sa men’s epee at women’s sabre.

Ang fencing team na pinangungunahan ng Phi­lippine Chief of Mission na si Ormoc City Mayor R­ichard Gomez ay binu­buo nina Samantha Kyle Catantan, Maxine Esteban, Wilhelmina Lozada at Justine Tinio sa women’s foil individual at team event; Brenan Louie, Nathaniel Perez at Michael Nicanor sa men’s foil individual at team at Hanniel Abella na tanging entry sa women’s individual epee.

Limang gold naman  ang nakataya ngayon sa wrestling na gagawin din sa Jakarta Convention Center kung saan ang tanging entry ng Pinas ay sina Alvin Lobrequito at Jefferson Manatad.

Pinakamaraming pag­lalabang gold ngayon sa swimming sa Aquatics Center ng Gelora Bung Karno Sports Complex na may 7 na nakataya. Pangungunahan ni Jasmine Alkhaldi ang tatlong swimers na entry ng Pinas.

Dalawang gold sa shooting - 10m air rifle at air pistol mixed events  ang nakataya kung saan sasalang sina Jayson Valdez at Amparo Teresa Acuna sa shooting Range ng Jakabaring Sports City Palembang.

Tanging ang gold sa men’s changquan ang nakataya ngayon sa wushu sa Jakarta International Expo kung saan may walong entry ang Pinas sa pangunguna nina Daniel Parantac at Divine Wally.

vuukle comment

18TH ASIAN GA­MES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with