^

PSN Palaro

Bolts nagliwanag agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Bolts nagliwanag agad
Magarbo ang pagbabalik ni Allen Durham makaraang iselyo nito ang 26 puntos, 20 rebounds at siyam na assists habang mataas din ang enerhiya ni Baser Amer na bumanat ng 23 markers, walong boards at anim na assists para sa Bolts.
PBA images

MANILA, Philippines — Malakas na boltahe ang inilatag ng Meralco Bolts sa huling sandali ng laro upang masungkit ang 109-106 desisyon kontra Columbian Dyip para sa pambuenamanong panalo nito sa Philippine Basketball Association Season 43 Governors’ Cup kagabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Magarbo ang pagbabalik ni Allen Durham makaraang iselyo nito ang 26 puntos, 20 rebounds at siyam na assists habang mataas din ang enerhiya ni Baser Amer na bumanat ng 23 markers, walong boards at anim na assists para sa Bolts.

“Medyo hindi maganda yung start namin, nasermunan kami ni coach dahil hindi maganda ‘yung depensa namin. Kaya sa second half, nag-usap usap kami na hindi dapat ganun. Kaya na-execute namin ng maayos yung mga dapat naming gawin,” ani Amer.

Nagparamdam din si Mike Tolomia na nakapag-ambag ng 14 points gayundin sina Cliff Hodge (11), Anjo Caram (10) at Ranidel de Ocampo (10) na may kani-kanilang double-digit output.

Mabangis din si Columbian Dyip import Akeem Wright na may magandang produksiyon na 30 points at 14 markers kasama si Jerramy King na umiskor naman ng 24 points at walong boards.

Ngunit kapos pa rin ito para isakay ang Columbian Dyip sa kanilang unang panalo.

Lumamang ang Columbian Dyip matapos pakawalan ni Wright ang isang layup, 97-96  sa kala­gitnaan ng fourth quarter.

Mabilis itong nabawi ng Bolts mula sa isang jump shot at isang tres ni Durham para makuha ang bentahe, 101-97.

Mula rito, hindi na binitiwan pa ng Bolts ang kalamangan para makuha ang panalo.

vuukle comment

MERALCO BOLTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with