^

PSN Palaro

Ayaay humataw sa Pirates

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ayaay humataw sa Pirates
Binanderahan ni MJ Ayaay ang matikas na pamimirata ng Lyceum nang magpakawala ito ng 20 puntos, apat na rebounds at dalawang steals para kubrahin ng kanilang tropa ang ikawalong sunod na panalo.
https://www.facebook.com/letran.edu/

MANILA, Philippines — Hindi hinayaan ng Lyceum of the Philippines na makalusot ang Colegio de San Juan de Letran nang itarak nito ang 87-82 panalo upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Binanderahan ni MJ Ayaay ang matikas na pamimirata ng Lyceum nang magpakawala ito ng 20 puntos, apat na rebounds at dalawang steals para kubrahin ng kanilang tropa ang ikawalong sunod na panalo.

Naging matibay na sandalan din ng Pirates si Mike Nzeusseu na may double-double na 16 markers at 11 boards gayundin sina reigning MVP CJ Perez na may 16 puntos at pitong rebounds at Jayvee Marcelino na nakahugot ng 10 markers at pitong boards.

Nabihag ang Knights na sumadsad sa 4-3 baraha sa kabila ng double-digit production ng anim na manlalaro nito sa pangu­nguna ni JP Calvo na umani ng 18 points.

Sa unang laro, hindi alintana ng College of Saint Benilde ang pagkawala ni Clement Leutcheu nang kubrahin  ang 70-62 panalo sa Arellano University.

Nagsilbing lider si rookie Justin Gutang na kumana ng 15 points at pitong rebounds habang nagdagdag si Yankie Haruna ng siyam na puntos, siyam na boards at isang block para pamunuan ang Blazers na umangat sa 5-3.

Napatawan si Leutcheu ng one-game suspension matapos makakuha ng dalawang technical fouls laban sa Emilio Aguinaldo College noong Martes.

Nalampasan na ng Blazers ang maasim na 4-14 kampanya noong nakaraang taon.

Bumagsak naman ang Chiefs sa 3-4.

Nagpasabog naman ang Jose Rizal University sa huling sandali ng laro para angkinin ang 57-55 panalo-- ang kanilang ikalawa sa walong pagsalang.

 Napigil ang pagmartsa ng Generals pasulong makaraang magtamo ito ng 2-6 baraha.

vuukle comment

NCAA SEASON 94

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with