^

PSN Palaro

Pinoy Cagers mainit ang simula

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy Cagers mainit ang simula
Nagpipilit makalusot si James Yap ng Phl Team laban sa Kazakhstan player sa aksyong ito sa basketball event ng 18th Asian Games.

Kazakhs Tinuruan ng Leksyon

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ng Pilipinas ang kampanya nito matapos ilampaso ang Kazakhstan sa bendisyon ng agresibong 96-59 demolisyon upang makalapit sa inaasam na quarterfinal spot sa 2018 Asian Games basketball competitions sa GBK Basketball Hall sa Jakarta, Indonesia.

Malaki ang tiwala ng mga beteranong coaches kay Stanley Pringle na tinukoy na pinakamahusay na point guard sa Asya sa kasalukuyan.

At hindi nito binigo ang buong sambayanan nang pamunuan ang Pinoy ca­gers tangan ang 18 puntos mula sa 6-of-9 shooting at perpektong 4-of-4 sa free throw line.

Naramdaman din si Christian Standhardinger na kumana ng 15 markers gayundin sina James Yap na umani ng 12 at Paul Lee na nag-ambag ng 10.

“We were able to disrupt their (Kazakhs') offense. We were able to challenge their shots. Our anticipation was good and that’s because of the scouting that we did and the implementation and the e­xecution of our game plan,” ani coach Yeng Guiao.

Matindi ang depensang inilatag ng Pinoy squad na nakapagtala ng 16 steals at mapuwersa ang Kazakhs­tan na makagawa ng 22 turnovers.

Mayroon din itong 59% shooting clip sa two-point area (23-of-39) at 31% sa rainbow territory (12-of-39).

Tanging si  Anton Bykov lamang ang nagsumite ng double digits para sa Kazakhstan matapos makalikom ng 13 markers.

Sumulong ang Pilipinas sa 1-0 sa Group D para mapalakas ang tsansa nitong makapasok sa knockout stage. Bagsak ang Kazakhstan sa 0-1 at nanganganib na masibak sa kontensiyon.

Sunod na makakasagupa ng Pilipinas ang China sa Martes (Agosto 21) kung saan kailangan nitong manalo para masiguro ang awtomatikong silya sa quarters.

Sakaling matalo, ma­laki pa rin ang tsansa ng Pilipinas na makapasok sa quarterfinals kung matatalo ng China ang Kazakhs­tan sa kanilang laban sa Agosto 23.

Samantala, dumating na sa Jakarta si Filipino-American Jordan Clarkson.

Agad itong tumulak sa venue upang makasama at suportahan ang kanyang mga katropa.

Nasa third quarter na nang pumasok si Clarkson kung saan sumalubong ang malakas na hiyawan mula sa mga Pinoy fans gayundin sa mga Indonesians na nasa venue.

Unang masisilayan sa aksiyon si Clarkson suot ang jersey ng Pilipinas sa oras na makaharap ng Pinoys ang China.

Para kay Guiao, walang magiging problema ang chemistry sa kabila ng late na pagpasok ni Clarkson sa koponan.

“Kung kasing galing naman ni Clarkson ang  ma­ka­kasama mo, siguro that's a good problem blending him in,” aniya.

vuukle comment

2018 ASIAN GAMES BASKETBALL COMPETITIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with