^

PSN Palaro

San Beda Matikas Pa Rin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
San Beda Matikas Pa Rin
Si Prince Eze ng Perpetual help laban kay Christian Bunag ng Mapua sa NCAA.
Ernie Penaredondo

Perpetual  Solo sa 3rd

Laro Ngayon (The Arena)

12 nn. AU vs CSB (Srs)

2 p.m. JRU vs EAC (Srs)

4 p.m. LPU vs CSJL (Srs)

MANILA, Philippines — Isa na namang gitgitang laban ang nalusutan ng nagdedepensang San Beda University makaraang pigilan nito ang San Sebastian College-Recoletos, 65-54  upang manati­ling malinis ang kanilang rekord sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa pagkakataong ito, sumaklolo sina Javee Mocon at James Kwekuteye para hablutin ng Red Lions ang ikaanim na sunod na panalo at mapatatag ang kapit sa No. 2 spot sa ilalim ng nangungunang Lyceum na may 7-0 baraha.

Sina Mocon at Kwekuteye ang bukod-tanging San Beda players na humataw sa 20-8 run ng tropa sa fourth quarter kung saan parehong kumana ang dalawa ng 10 markers..

 Sa unang laro, sumandal ang University of Perpetual Help System Dalta kina Kim Aurin at Nigerian Prince Eze sa paggupo sa Mapua University, 74-68 upang masolo ang ikatlong puwesto.

Bumanat si Aurin ng 22 points, apat na rebounds, limang assists at limang steals habang nagdagdag si 6-foot-9 Eze ng double-double na 19 points, 19 boards at isang block para sa Altas na sumulong sa 5-2 marka.

Naiwan sa ikaapat na puwesto ang Colegio de San Juan de Letran (4-2).

Nalampasan na ng Altas ang 4-14 rekord nito noong nakaraang taon.

Nagawa ito ng Perpe­tual Help sa ilalim ng ba­gong coach na si Frankie Lim at 11 bagong players kabilang na si Aurin.

Samantala, pinatawan ng forfeiture ang dalawang panalo ng San Sebastian kung saan naglaro si RK Ilagan na natuklasang lumahok sa ligang labas.

Base sa inilabas na statement ni NCAA Ma­nagement Committee chairman Francisco Gusi Jr., forfeited ang panalo ng Stags sa Benilde at Jose Rizal University.

Dahil dito, bumagsak ang San Sebastian sa 1-8 baraha habang umangat ang Benilde sa 4-3 at ang Jose Rizal sa 1-6.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with