^

PSN Palaro

Diretsong Sais tangka ng San Beda

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Diretsong Sais tangka ng San Beda
Lalarga ang duwelo ng Red Lions at Stags sa alas-4 ng hapon matapos ang engkuwentro ng Mapua University at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-2.
Joey Mendoza/File

Laro Ngayon (The Arena)

10 a.m. MU vs UPHSD (Jrs)

12 nn. SSCR vs SBU (Jrs)

2 p.m. MU vs UPSD (Srs)

4 p.m. SSCR vs SBU (Srs)

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepensang San Beda University na sakmalin ang ikaanim na sunod na panalo sa pagharap nito sa San Sebastian College-Recoletos sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang duwelo ng Red Lions at Stags sa alas-4 ng hapon matapos ang engkuwentro ng Mapua University at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-2.

Nakaramdam ng pu­wersa ang San Beda nang kubrahin ang pahirapang 80-76 overtime win laban sa Colegio de San Juan de Letran para masikwat ang ikalimang panalo noong Biyernes.

Mabuti na lang at nariyan si Robert Bolick na tunay na maaasahan sa crunch time.

Humakot si Bolick ng 20 points, 11 rebounds at anim na assists sa naturang laro habang kumana si  AC Soberano ng dalawang krusyal tres sa overtime para tulungan ang Red Lions na maitakas ang panalo.

Lalaro ang Stags nang wala si RK Ilagan na pinatawan ng San Sebastian ng suspensiyon dahil sa paglalaro sa ligang labas.

Sa kabilang banda, mataas ang moral ng Altas na galing sa 78-72 panalo sa Jose Rizal University sa kanilang huling laro.

Magkasosyo ang Perpetual Help at Letran sa No. 3 spot  hawak ang pa­re­hong 4-2 marka.

At kung mananalo ito sa Cardinals, solidong ookupahan ng Altas ang solong ikatlong puwesto.

Hahataw para sa Altas si Edgar Charcos na may game-high 25 points habang makakatuwang nito sina AJ Coronel at Jelo Razon upang paangatin pa ng husto ang kanilang tropa. (Chris Co)

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with