^

PSN Palaro

Clarkson tuloy na sa Asiad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Clarkson tuloy na sa Asiad
Ipinapakita ni Jordan Clarkson ang kanyang Gilas jacket.

MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy na ang paglalaro ni Filipino-Ame­rican Jordan Clarkson sa 2018 Asian Games basketball competitions na nakatakdang magsimula bukas sa Jakarta, Indonesia.

Nagbunyi ang Pinoy basketball fans nang pumutok kahapon sa social media ang umano’y pagbabago ng isip ng NBA upang matuloy ang partisipasyon ng Cleveland Cavaliers guard na si Clarkson sa Indonesia Games.

Kinumpirma naman ito ni Philippine Chef de Mission Richard Gomez kahapon kung saan binigyan na ng go signal ng NBA si Clarkson. Papalitan ni Clarkson si Don Trollano sa 12-man lineup.

Agad na nakipag-ugnayan ang Philippine Olympic Committee sa Indonesia Asian Games Organizing Committee (I­NASOC) at Olympic Council of Asia para maibalik si Clarkson sa listahan.

Nakakuha naman ng magandang sagot ang POC kung saan pumayag ang INASOC at OCA na paglaruin si Clarkson sa Gilas.

Mula Amerika, diretso nang tutulak si Clarkson sa Jakarta para makasama ang national team na nauna nang nagtungo sa Indonesia noong Linggo ng gabi.

“Anytime now kaila­ngang makaalis na siya sa LA para diretso na siya sa Jakarta to meet the team,” dagdag ni Gomez.

Unang makakalaban ng Pilipinas ang Kazakhs­tan bukas kasunod ang China sa Agosto 21.

Kinakailangan ng Pinoy cagers na manalo ng isang beses sa group stage upang makasiguro ng tiket sa quarterfinals.

Kaya naman malaking tulong ang pagpasok ni Clarkson sa koponan.

Nauna nang nagpahayag ang NBA na hindi nito pinahihintulutan si Clarkson na maglaro sa Asian Games dahil hindi ito sakop ng napagkasunduan ng asosasyon at ng FIBA.

Tanging sa Olympics, FIBA Basketball World Cup, Continental Cup competition at associated qualifying tournaments lamang maaaring lumaro ang sinumang NBA players.

Ngunit kinastigo ang desisyong ito ng NBA matapos matuklasan na dalawang Chinese NBA players ang masisilayan sa aksiyon sa Asian Games.

Ito ay sina 7-foot-1 Zhou Qi ng Houston Rockets at 6-foot-7 Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks.

Kaya naman kaliwa’t kanang batikos ang tinanggap ng NBA sa social media na posibleng isa sa na­ging dahilan para magbago ang isip ng NBA.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with