^

PSN Palaro

Brownlee gustong maging naturalized player ng Gilas

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Brownlee gustong maging naturalized player ng Gilas
Sinabi ni Brownlee kay Alfrancis Chua, ang kinatawan ng Gin Kings sa PBA Board of Governors, na gusto niyang maging isang naturalized player ng Gilas Pilipinas.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sa kanilang victory party para sa mga fans kahapon ay nagbiro si Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee.

Sinabi ni Brownlee kay Alfrancis Chua, ang kinatawan ng Gin Kings sa PBA Board of Governors, na gusto niyang maging  isang naturalized player ng Gilas Pilipinas.

“Hindi na si Brownlee ang import dahil gagawin na natin siyang Pilipino,” pagbibiro ni Chua. “Sinabi ni Brownlee sa amin kaharap ang buong team, ‘Boss, I want to be naturalized.”

Payag naman ang San Miguel Corporation na ibigay ang 30-anyos na si Brownlee sa Gilas Pilipinas pagkatapos ng kanyang paglalaro para sa Ginebra.

Kung sakali ay maihahanay ang 6-foot-5 na si Brownlee kina 6’8 Marcus Douthit at 6’9 Andray Blatche bilang naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Ang problema lamang ay mas gusto ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ng malaking naturalized player para isabak sa mga torneo ng FIBA.

Inihatid ni Brownlee ang Gin Kings sa dalawang sunod na kampeonato ng PBA Governor’s Cup noong 2016 at 2017 at sa katatapos na 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Kinuha ng Ginebra si Brownlee matapos magkaroon ng thumb injury si Paul Harris sa una nilang laro laban sa Globalport noong 2016 PBA Governor’s Cup.

Muli naman siyang tinapik ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone bilang kapalit ni 6’10 Charles Garcia nang mabaon ang Gin Kings sa 1-5 record sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

“I just want to keep doing good, just keep working hard and whatever comes with that, you know I’ll take it,” sabi ni Brownlee, ang hinirang na PBA Best Import sa nasabing mid-season conference.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with