^

PSN Palaro

FIBA U-18: Batang Gilas tumapos sa 4th place

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
FIBA U-18: Batang Gilas tumapos sa 4th place
Nahirapan ang mga Pinoy cagers sa mahigpit na depensang ipinataw ng mga Chinese para malasap ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa torneo.

MANILA, Philippines — Niresbakan ng 11-time champion na China ang Batang Gilas, 76-57  para angkinin ang bronze medal sa 218 FIBA Asia U-18 Championship kahapon sa Studio 29 sa Nonthaburi, Thailand.

Nahirapan ang mga Pinoy cagers sa mahigpit na depensang ipinataw ng mga Chinese para malasap ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa torneo.

Nauna nang nakatikim ang Batang Gilas ng 43-77 pagkatalo sa Australia sa semifinals.

Kasalukuyan pang naglalaban ang Australia at New Zealand para sa gintong medalya habang isinusulat ito.

Sa kanilang rematch ay hindi na nakaporma sina 7-foot-1 Kai Sotto at 6’10 AJ Edu kagaya ng 73-63 paggiba nila sa China sa group stages kung saan sila nagtala ng pinagsamang 25 points, 24 rebounds at 9 blocks.

Pinamunuan ni Sotto ang national youth team mula sa kanyang tinapos na 16 points habang nagdagdag si Edu ng 14 mar­kers, 18 boards at 2 blocks.

Bagama’t nabigo sa kanilang bronze medal match ng China ay nakamit ng Batang Gilas ang isa sa apat na tiket para sa 2019 FIBA U19 World Cup.

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang bansa sa FIBA U19 World Cup matapos ang grupo nina Joel Banal, Chito Loyzaga, Hector Calma at Bai Cristobal na tumapos sa 10th place noong 1979 sa Brazil.

China 76 – Wang QZ 27, Xu 18, Li 9, Guo 8, Jiang HR 7, Wang YZ 7, Chen 0, Shi 0.

Batang Gilas 57 – Sotto 16, Edu 14, Ildefonso 9, Oczon 7, Panopio 5, Abadiano 2, Amsali 2, Cortez 2, Lina 0, Ramirez 0, Torres 0.

Quarterscores: 27-14; 43-26; 59-43; 76-57.  

vuukle comment

BATANG GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with