^

PSN Palaro

Bulacan, Marikina wagi sa MPBL

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Bulacan, Marikina wagi sa MPBL
Umiskor si Jason Me­lano ng winning jumper sa krusyal na segundo pa­ra sa ikaapat sunod na panalo ng Kuyas at pang-lima sa ka­­buuan at makuha ang so­lo second sa likuran ng San Juan Knights (5-0) sa Northern Division.
https://www.facebook.com/officialmpbl

MANILA, Philippines — Nakaeskapo ang Bula­can Kuyas laban sa Basilan Steel, 59-57, upang masungkit ang pang-limang pa­nalo at umangat sa solo se­cond spot sa  2018 Ma­harl­­ika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup noong Martes ng gabi sa Marist School Gymnasium sa Marikina City.

Umiskor si Jason Me­lano ng winning jumper sa krusyal na segundo pa­ra sa ikaapat sunod na panalo ng Kuyas at pang-lima sa ka­­buuan at makuha ang so­lo second sa likuran ng San Juan Knights (5-0) sa Northern Division.

Tabla pa sana ang iskor sa 57-57, ngunit hindi pu­masok ang triple ni Jojo Tangkay ng Basilan kaya nakakita si Melano ng pagkakataon para burahin ang huling deadlock sa huling pi­tong segundo ng laro.

Dahil sa pagkatalo, bu­maba ang Basilan Steel sa four-way tie mula sa ikaa­nim na puwesto hanggang sa pang-siyam na upuan ka­sama ang Ba­­tangas Ath­letics, Laguna He­roes at Davao Occiden­tal Tigers sa parehong 2-3 record sa Southern Division.

Sa iba pang laro, nag­laro si movie at TV actor Gerald Anderson para big­yan ng ins­pirasyon ang Ma­rikina Shoemasters tungo sa 71-67 panalo kontra sa Pa­sig Pirates.

Nagtala ng one point si  Anderson na may kasamang 3 steals at mahigpit na depensa upang makamit ng Shoemasters ang ikat­long panalo sa anim na laro, habang patuloy ang pagluluksa ng Pirates sa ilalim ng standing sa Northern Division.

“May laro talaga siya (Anderson). You’ve got to see him play. If not for the loose balls and steals na gi­nawa niya baka hindi pa kami nanalo,” ani coach El­vis Tolentino.

vuukle comment

2018 MA­HARL­­IKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

BULA­CAN KUYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with