Ginebra amoy na ang kampeonato
MANILA, Philippines — Nagtapos na ang mga blowout games na inirereklamo ng mga fans.
Kagabi ay nagsagupa sa isang matinding giyera ang nagdedepensang San Miguel at Barangay Ginebra.
Sa likod ng kabayanihan ni Scottie Thompson ay inungusan ng Gin Kings ang Beermen, 87-83, sa Game Five ng 2018 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Thompson na may 20 points, ang apat dito ay kanyang iniskor sa dulo ng fourth quarter, at 11 rebounds para sa 3-2 bentahe ng Ginebra sa best-of-seven championship showdown nila ng San Miguel.
Kaagad kinuha ng Gin Kings ang 19-10 bentahe sa first period bago rumesbak ang Beermen sa pagtatayo ng 10-point lead, 34-24, mula sa basket ni import Renaldo Balkman sa 9:05 minuto ng second quarter.
Matapos ang left-handed slam dunk ni Fajardo para sa 83-78 abante ng San Miguel ay nakadikit ang Ginebra sa 82-83 buhat sa basket ni Joe Devance at dalawang free throws ni Thompson sa natitirang 1:07 minuto.
Umiskor si Thompson para sa 84-83 abante ng Gin Kings sa nalalabing 36 segundo.
- Latest