^

PSN Palaro

San Juan ‘di maawat sa pananalasa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
San Juan �di maawat sa pananalasa
Muling nagpakitang gilas ang dating PBA standout na si Larry Rodriguez sa kanyang 10 puntos, pitong rebounds, apat na assists, apat na blocks at dalawang steals upang masungkit ng Knights ang ika-limang sunod na panalo at manatili sa solo liderato sa Northern Division sa 5-0 card.
File Photo

Laro Bukas (Angeles University Foundation Gym, Angeles City)

7 p.m. Parañaque vs   Pasay City       

9 p.m. Pampanga vs  Manila 

MANILA, Philippines — Tinambakan ng San Juan Knights ang Laguna Heroes, 81-56 para ma­panatili ang malinis na kartada habang naka-eskapo naman ang Bulacan Kuyas laban sa Davao Occidental Tigers via overtime, 88-85 sa pagpapatuloy ng 2018 MPBL Datu Cup noong Miyerkules ng gabi sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Muling nagpakitang gilas ang dating PBA standout na si Larry Rodriguez sa kanyang 10 puntos, pitong rebounds, apat na assists, apat na blocks at dalawang steals upang masungkit ng Knights ang ika-limang sunod na panalo at manatili sa solo liderato sa Northern Division sa 5-0 card.

Bukod kay Rodriguez, tumulong din ng 13 puntos ang dating Ginebra player na si John Wilson at 11 naman mula kay Rian Ayonayon para manati­ling natatanging koponan sa 26-team home and away league na wala pang talo.

Ang Laguna Heroes naman ni Alex Angeles ay bumagsak sa 2-3 record.

Sa iba pang laro, na­ngailangan ang Bulacan Kuyas ng overtime period para magwagi laban sa Davao Tigers at manatili sa four-way tie sa ikalawang puwesto kasama ang Bataan Risers, Mandaluyong El Tigre at Makati Skycrapers sa parehong 4-1 record sa Northern Division.

Ang Tigers ni coach Don Dulay ay bumaba rin sa 2-3 slate.

vuukle comment

2018 MPBL DATU CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with