Nietes may payo sa Pinoy athletes
MANILA, Philippines — Haharapin ng dating three-division world champion Donnie Nietes ang kababayang si Aston Palicte sa HBO world superflyweight title bout sa Forum sa Inglewood, California sa Setyembre 8.
Ang 36-anyos na si Nietes ang pinakamahabang Filipino world champion sa kasaysayan ng bansa sa taglay na 41-1-4 win-loss record, 23 nito sa knockout habang ang 27-anyos na si Palicte naman ay mayroong 24-2 record kabilang ang 20 KOs.
Sa kabila na mas may karanasan ang Cebuanong si Nietes, angat naman sa height ang 5’7 na si Palicte ng tatlong pulgada kaya’t asahan na magandang laban ang magaganap sa suntukan ng dalawang Pinoy boxers.
Bilang atleta may payo si Nietes sa mga Filipino athletes na nais na sumabak sa mga international kumpetisyon.
“The demands of an athlete are heart-wrenching. It’s never easy to wake up early in the morning year after year and to stay focused not just in the ring as there are a lot of distractions. How hard you work is important. Surround yourself with the right people--family, old friends, coaches, manager, trainer, promoter,” sabi ni Nietes.
Ayon naman sa manager ni Nietes na si Michael Aldeguer, ang presidente ng ALA Boxing na malaking karangalan para sa bansa na dalawang Pinoy boxers ang maghaharap sa world title kagaya nina IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas at Jonas Sultan noong Mayo 26.
“It will be huge for the country having two Filipinos fighting again for the world title in a span of three months after IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas and Jonas Sultan. Donnie (Nietes) is trying to make history by becoming a four-division world champion,” ayon kay Aldeguer.
- Latest