^

PSN Palaro

Pacquiao si Horn ang dapat kasahan--Roach

Pilipino Star Ngayon
Pacquiao si Horn ang dapat kasahan--Roach
Inihayag ni Roach ang kanyang opinyon nang makapanayam ito ng ESPN.

MANILA, Philippines — Mas gusto ni American trainer Freddie Roach na makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao si Australian fighter Jeff Horn.

Inihayag ni Roach ang kanyang opinyon nang makapanayam ito ng ESPN.

At kung siya ang masu­sunod, mas nanaisin nitong makalaban ng Pambansang Kamao si Horn kesa kina Ukrainian Vasyl Lomachenko at American Terence Crawford.

Hangad ni Roach na matuldukan ang ‘unfi­nished business’ ng dalawang boxers.

Magugunitang tinalo ni Horn si Pacquiao via unanimous decision para maagaw ng Australian pug ang WBO welterweight title sa kanilang unang paghaharap noong nakaraang taon na ginanap sa Brisbane, Australia.

“Horn would be a good fight to finish his career. But the names they are talking about out there Lomachenko and Crawford, I think they wouldn’t be the right opponents. I think that I wouldn’t like those fight for Manny,” ani Roach.

Mapanganib na kalaban si Crawford.

Ito ang kasalukuyang pound-for-pound king na dating titulo na pag-aari ni Pacquiao noong nasa kasagsagan pa ito ng kanyang karera.

Si Crawford din ang tumalo kay Horn para ma­agaw ang WBO welterweight crown.

Sa kabilang banda, si Lomachenko ay lumalaban sa 135-lbs. Division.

Mas mababa ito sa 147-lbs. weight class na napagwagian ni Pacquiao laban kay Lucas Matthysse.

Pinuri ng pamosong trainer ang matagumpay na 7-round technical knockout win ni Pacquiao kay Matthysse ng Argentina para makuha ang WBA welterweight belt. (CCo)

vuukle comment

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with