^

PSN Palaro

Laban nina Frayna, Miciano nauwi sa draw

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Laban nina Frayna, Miciano nauwi sa draw
Bagama’t iisa lamang ang coach ng dalawang woodpushers, hindi nagbigayan ang 22-anyos na si Frayna at ang 17-gulang na si Miciano kung saan hangad ng bawat isa na makuha ang panalo.

MANILA, Philippines — Humantong sa mahabang 102-move draw ang labanan nina Woman Grandmaster Janelle Frayna at ang kababayang si International Master John Marvin Miciano sa King’s Indian Attack upang tumapos sa top 10 makaraan ang siyam at huling round ng 44th Open International d’Escacs Vila De Sitges na ginanap noong Sabado ng gabi sa Spain.

Bagama’t  iisa lamang ang coach ng dalawang woodpushers, hindi nagbigayan ang 22-anyos na si Frayna at ang 17-gulang na si Miciano kung saan hangad ng bawat isa na makuha ang panalo.

Kapwa mayroong tig-isang kabayo at talong pawns, nagdesisyon sina Frayna at Miciano na tapusin na lamang ang laban na siyang pinakamahaba sa nasabing torneo sa draw.

Dahil sa draw, kapwa tumapos ang dalawa sa 7-way tie sa ikawalong posisyon sa kanilang nalikom na tig-anim na puntos kung saan ang paglahok nina Frayna at Miciano ay sinusuportahan ng Philippine Sports Commission at  ni  The Philippine Star President at Chief Executive Officer Miguel Belmonte.

Ngunit matapos ang tiebreaks, lumapag si Frayna sa ika-12th place habang pumuwesto naman si Miciano sa 11th ang pinakamataas nilang tinapos makaraang lumapag sa 20th place sa Saint Marti noong nakaraang linggo.

vuukle comment

JANELLE FRAYNA

JOHN MARVIN MICIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with