Team Phl tumapos sa 6th place sa ASG
MANILA, Philippines — Nag-uwi ang Team Philippines ng kabuuang 36 medalya, siyam na ginto, pitong pilak at 20 tanso para tumapos sa pang-anim na puwesto sa 2018 ASEAN Schools Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Bagana’t bigong mapantayan ang 13 gintong medalya na nasungkit noong nakaraang taon sa Singapore, kuntento pa rin ang mga opisyales ng pambansang koponan dahil lumaban ng todo ang mga batang atletang Pinoy sa halos isang linggong kumpetisyon.
“Actually, I am really happy that all events won at least one medal. We actually achieved our goal for this year,” sabi ni Philippine Chief of Mission Rizalino Jose Rosales.
Maging si Philippine Sports Commission commissioner Charles Maxey na kasama sa delegasyon ay masaya rin sa performance ng mga atletang Pilipino.
“I am very proud of them. They represented our country well. But, there will always be winners as well as losers in any sport,” ayon naman kay Maxey.
Kagaya ng inaasahan, umani ang host Malaysia ng 37 golds, 34 silvers at 32 bronze medals habang pumapangalawa ang Indonesia sa 31-36-30 tally at ikatlo ang Thailand (19-21-31), Singapore (13-16-22) at Vietnam (13-8-6).
Ang athletics ang top performer sa Team Philippines sa kanilang anim na gintong medalya, apat na silver at anim na bronze. Si Jessel Lumapas naman ang kaisa-isang double gold medalist matapos manalo sa 200-m dash at 400-m run.
Ngayon pa lamang, pagtutuunan na ng Team Philippines ang susunod na edisyon ng ASG na gaganapin sa Semarang, Indonesia.
- Latest