Melo kasado na ang pagtawid sa Rockets
OKLAHOMA CITY - Ito ang gustong mangyari ni Carmelo Anthony.
Posible nang makalipat ang All-Star forward sa Houston Rockets matapos makumpleto ang komplikadong three-team deal na magdadala sa kanya sa Atlanta Hawks sangkot ang Thunder at Philadelphia 76ers.
Nasa plano ni Anthony ang pagpirma ng kontrata sa Rockets sandaling siya ay mai-trade, bitawan at makalusot sa waivers.
“I want to take this opportunity to thank Carmelo Anthony and acknowledge his professionalism and contributions during his time with the Thunder,” sabi ni Thunder GM Sam Presti sa isang statement.
Sa naturang kasunduan ay ibibigay ng Oklahoma City si Anthony sa Atlanta kasama ang isang protected 2022 first-round pick at si Justin Anderson mula naman sa Philadelphia 76ers.
Mahuhugot ng Thunder si guard Dennis Schroder galing sa Hawks at si Timothe Luwawu-Cabarrot buhat sa 76ers. Makukuha naman ng 76ers si Mike Muscala mula sa Hawks.
Bibitawan ng Hawks si Anthony, makakakuha ng $27.9 milyon na dapat niyang tanggapin para sa susunod na season sa ilalim ng kanyang nilagdaang veteran’s minimum na $2.4 milyon sa Thunder at magiging isang free agent.
Dahil dito ay maaaari na siyang kunin ng Houston.
- Latest