^

PSN Palaro

Manila binugbog ang Cebu; Bacoor hiniya ang Pasay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Manila Stars ang Cebu City Sharks, 107-76 habang nagwagi naman ang Bacoor Strikers laban sa Pasay Voyagers, 90-86 sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Matindi ang depensa na ginawa ng Manila Stars kaya hindi naka-iskor ang Cebu Sharks sa buong unang yugto (27-0) tungo sa ikatlong panalo sa apat na laro ng tropa ni coach Philip Cezar.

Ang masaklap na 27-0 score sa first half ang all-time record sa kasaysayan ng basketball sa bansa. Gumawa pa ng 37 assists ang Stars na isa ring record sa MPBL. Ang Cebu Sharks ay nanatiling wala pang panalo sa apat na laro.

 Umiskor si Aris Dionisio at Riel Cervantes ng tig-19 puntos habang 14 naman mula kay Drian Celada at 13 kay Kyles Lao. 

Sa iba pang laro, nasungkit ng Bacoor ang ikalawang panalo sa apat na laro habang ang Pasay Voyagers ay nabaon sa 1-3 win-loss kartada sa Northern Division.

Umani ng 20 puntos at 11 rebounds si Gab Banal para sa Strikers. (FC)

vuukle comment

2018 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with