^

PSN Palaro

Standhardinger 3 pa pagpipilian ng SBP kapalit ni Blatche

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Standhardinger 3 pa pagpipilian  ng SBP kapalit ni Blatche
Ilan dito ay sina 6-foot-8 Fil-German Christian Standhardinger at Marcio Lassiter ng San Miguel at Greg Slaughter at LA Tenorio ng Barangay Ginebra.

MANILA, Philippines — Kakampanya ang Gilas Pilipinas sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers na wala si naturalized center Andray Blatche at siyam pang mi­yembro ng koponan.

Isang araw matapos ibaba ng FIBA Disciplinary Panel ang desisyon na nagpapataw ng suspensyon kina Calvin Abueva (6 games), RR Pogoy (5 games), Carl Bryan Cruz (5 games), Jio Jalalon (5 games), Blatche (3 games), Terrence Romeo (3 games), Jayson Castro William (3 games), Troy Rosario (3 games), Japeth Aguilar (1 game) at Matthew Wright (1 game) ay may ilang pangalan nang binanggit ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na papalit sa kanila.

Ilan dito ay sina 6-foot-8 Fil-German Christian Standhardinger at Marcio Lassiter ng San Miguel at Greg Slaughter at LA Tenorio ng Barangay Ginebra.

Pinatawan naman sina Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes at assistant Jong Uichico ng one-game at three-game ban, ayon sa pagkakasunod.

Isang PBA head coach at assistant nito ang inaasahang hihiramin ng SBP para gumiya sa Nationals sa pagsagupa kontra sa mga Iranians sa Setyembre 13 sa Iran.

Matapos ang Iran ay lalabanan ng Gilas Pilipinas ang Qatar at Kazakhstan sa home game sa Set­yem­bre 1 at Nobyembre 30, ayon sa pagkakasunod.

Muling makakatapat ng Nationals ang mga Iranians sa home game sa Disyembre 3, ang mga Qataris sa Peb.  21 sa Qatar at ang mga Kazaks sa Peb. 24 sa Kazakhstan.

vuukle comment

2019 FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with