4 teams pukpukan para sa Finals slot
MANILA, Philippines — Inaasahan ang magandang laban sa paghaharap ng nagdedepensang Cignal HD at F2 Logistics habang magtatagpo naman ang Petron Blaze at Smart-Army sa knockout semifinals ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Superliga Invitational Conference sa Muntinlupa City Sports Center.
Paborito pa rin ang Cargo Movers na magwagi kontra sa HD Spikers sa alas-6 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng Petron Blaze Spikers at Smart-Army Giga Hitters sa alas-4 ng hapon.
Sa iba pang laro, paga-agawan naman ng Sta. Lucia at Generika-Ayala ang pang-limang puwesto sa alas-2 ng hapon.
Kapwa dumiretso ang HD Spikers at Blaze Spikers sa semis matapos pagharian ang kanilang magkahiwalay na grupo.
- Latest