^

PSN Palaro

Win No. 2 pakay ng San Beda, Mapua

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Win No. 2 pakay ng San Beda, Mapua

MANILA, Philippines — Makisalo sa liderato ang parehong hangad ng nagdedepensang San Beda University at Mapua University sa pagharap sa magkahiwalay na laban ngayong hapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Red Lions ang Jose Rizal University sa alas-4 habang lalarga naman ang Cardinals kontra sa Colegio de San Juan de Letran sa alas-2.

Magtatagpo rin ang season host University of Perpetual Help System Dalta at Arellano Universiy sa unang laro sa alas-12 ng tanghali.

Magkasalo sa No. 2 spot ang San Beda at Mapua hawak ang parehong 1-0 marka – sa ilalim ng nangungunang Lyceum of the Philippines na may malinis na 2-0 rekord.

Nakuha ng Red Lions ang pahirapang 67-65 panalo kontra sa Altas sa kanilang unang pagsalang sa opening day noong Hul­yo 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala ang San Beda ng maasim na 21-of-58 field goal shooting sa na­turang laro at 22-of-32 sa foul line.

“We just devoted the last week more on shoo­ting and execution,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez na sasandalan sina Robert Bolick, Javee Mocon at Donald Tankoua.

 Sa kabilang banda, maganda ang itinatakbo ng laro ng Altas na hawak ni coach Frankie Lim.

Muntik na nitong matalo ang Red Lions habang ginulantang din ng Altas ang Knights, 78-75 noong Biyernes.

Nagrehistro sa natu­rang panalo si Edgar Charcos, ang rookie transferee mula sa University of the East, ng career-high 27 points.

“We just want to prove that we can compete, I hope we got their respect,” sambit ni Lim na dinala ang San Beda sa apat na kampeonato may isang dekada na ang nakalilipas, bago lumipat sa kampo ng Altas.

vuukle comment

NCAA SEASON 94

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with