^

PSN Palaro

Pacquiao na-TKO si Matthysse sa 7th

Pilipino Star Ngayon
Pacquiao na-TKO  si Matthysse sa 7th
Binilangan ng referee si Lucas Matthysse nang bumagsak ito sa canvas sa kanilang laban ni Manny Pacquiao para sa WBA welterweight championship belt.

Bagong WBA welterweight champion

KUALA LUMPUR-- Ipinakita ng bagong WBA welterweight champion na si Manny Pacquiao ang dati niyang pamatay na porma sa itinalang seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina kahapon sa Axiata Arena rito.

Sinabi ng 39-anyos na si Pacquiao, tatlong beses pinabagsak si Matthysse, na mas naging maingat at pasensyoso siya sa pagkakataong  ito.

Tinapos din ng Filipino icon ang pagkauhaw sa pagtatala ng isang knockout victory na huli niyang naiposte noong 2009 nang pigilin si Miguel Cotto sa 12th round sa Las Vegas.

“Our strategy is to be patient and take time. Don’t rush. Don’t be careless like what we did before,” ani Pacquiao sa mga reporters sa post-fight press confe­rence.

Kinailangan ni Pacquiao ng 14 fights para makapag­lista ng isang stoppage na ginawa niya laban kay Matthysse, ang hard-punching Argentinian.

Unang pinatumba ni Pacquiao si Matthysse mula sa isang left uppercut sa third round.

Iniskor naman ni Pacquiao ang ikalawa niyang knockdown sa pagtatapos ng fifth canto matapos paluhurin si Matthysse ga­ling sa isang jab na sinundan ng right hook.

Nailigtas ang Argentine ng bell.

Ang matulis na uppercut ni Pacquiao ang tuluyan nang nagpabagsak kay Matthysse sa seventh round.

Ito ang pang-60 panalo ni Pacquiao. (DMaragay)

Related video:

vuukle comment

LUCAS MATTHYSSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with