^

PSN Palaro

Vic Saludar bagong World champion ng Pinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Vic Saludar bagong World champion ng Pinas
Tinalo ni Vic Saludar ng Polomolok, Cotabato si Japanese star Ryuya Yamanaka via unanimous decision para angkinin ang World Boxing Organization minimumweight crown noong Biyernes ng gabi sa Central Gym.
AFP-JIJI

MANILA, Philippines — Isang Filipino ang hinirang na bagong world boxing champion sa Kobe, Japan.

Tinalo ni Vic Saludar ng Polomolok, Cotabato si Japanese star Ryuya Yamanaka via unanimous decision para angkinin ang World Boxing Organization minimumweight crown noong Biyernes ng gabi sa Central Gym.

Bagama’t nirapido sa second round ay nakabawi si Saludar (18-3-0, 10 KOs) sa mga sumunod na rounds para madiskaril ang ikalawang pagdedepensa ni Yamanaka (16-3-0, 5 KOs) sa WBO minimumweight belt.

Tuluyan nang napabagsak ng 27-anyos na si Saludar ang 23-anyos na si Yamanaka sa seventh round.

Matapos magpalitan ng mga suntok sa gitna ng ring ay kumonekta si Saludar ng isang straight right sa ulo ni Yamanaka na nagpatumba sa Japanese sa huling segundo ng naturang round.

vuukle comment

VIC SALUDAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with