^

PSN Palaro

Pacman: ready to rumble

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Pacman: ready to rumble
“I can already imagine the action inside the ring,” sabi ng 39-anyos na si Pacquiao, hahamunin si Lucas Matthysse para sa suot nitong WBA welterweight crown bukas sa Axiata Arena rito.

KUALA LUMPUR – Tinapos ni Filipino boxing legend Manny Pacquiao ang huling araw ng kanyang paghahanda sa pamamagitan ng isang short run kahapon ng umaga at light gym session sa hapon.

“I can already imagine the action inside the ring,” sabi ng 39-anyos na si Pacquiao, hahamunin si Lucas Matthysse para sa suot nitong WBA welterweight crown bukas sa Axiata Arena rito.

Nakatakdang magkita ngayong alas-9 ng umaga sina Pacquiao at Matthysse para sa official weigh-in sa Malaysian International Trade and Exhbition Center.

Inaasahang walang magiging problema si Pacquiao sa pag-akyat niya sa weighing scale para sa weight limit na 147 pounds kagaya ni Matthysse.

Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan natalo siya kay Jeff Horn sa Brisbane Stadium sa Australia.

Aminado si Pacquiao na puwersado siyang manalo kay Matthysse para maiwasan ang posibleng pagreretiro.

“I feel the pressure in this fight because I need to prove that I’m still there,” sabi ni Pacquiao.

May walong korona sa walong magkakaibang weight classes, sinabi ni Pacquiao na wala na siyang dapat patunayan at maaari pa ring lumaban sa mataas na antas.

Lipas na sa kanyang panahon si Pacquiao kagaya ng kanyang mga tinalo at retirado nang sina Eric Morales, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Marquez, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto at Floyd Mayweather Jr.

Ngunit patuloy pa rin siya sa pagboboksing.

“It’s my passion,” wika ni Pacquiao. “It’s always an honor for me to bring honor to my country, and I will fight as long as I feel that I can still fight.”

Ang laban sa heavy-handed Argentine na si Matthysse ang makakatulong sa kanyang magdesisyon kung ipagpapatuloy pa niya ang boxing career  o  tuluyan nang isasabit ang boxing gloves.

Related video:

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with