^

PSN Palaro

Basilan umiskor ng panalo sa Cebu

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Basilan umiskor  ng panalo sa Cebu
Umiskor ang dating PBA standout na si Dennis Daa ng 25 puntos kabilang na ang apat sa krusyal stretch ng laro para sa u­nang panalo sa tropa ni coach Joseph Romarate sa tatlong asignatura sa Southern Division.
https://www.facebook.com/officialmpbl/

MANILA, Philippines — Nasungkit din ng Ba­silan Steel ang kanilang unang panalo matapos magwagi laban sa Cebu City Sharks, 86-76 sa pagpapatuloy ng  2018 Mahar­lika Pilipinas Basketball League Datu Cup noong Huwebes ng gabi sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Umiskor ang dating PBA standout na si Dennis Daa ng 25 puntos kabilang na ang apat sa krusyal stretch ng laro para sa u­nang panalo sa tropa ni coach Joseph Romarate sa tatlong asignatura sa Southern Division.

Bukod sa fall away jumper at dalawang free throws ni Daa, komunekta rin ng isang triple at isang lay-up si Macky Acosta para sa Basilan at ibagsak ang Cebu Sharks sa 0-3 win-loss kartada.

Sa iba pang laro, naka-eskapo naman ang Bulacan Kuyas  laban sa host Bacoor Strikers, 77-76 para angkinin ang ikalawang panalo sa tatlong laban.

Nag-poste si Jay-Arr Taganas ng kanyang pang-anim na double-double performance makaraang umani ng 14 puntos at 11 rebounds para sa Bulacan at ibaon ang Bacoor sa 1-2 win-loss record.

vuukle comment

2018 MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE DATU CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with