^

PSN Palaro

Tornadoes nakatikim na ng panalo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtulung-tulong ang magkapatid na Jaja Santiago at Dindin San­tiago-Manabat para iangat ang Foton sa 25-10, 23-25, 25-22, 25-19 panalo laban sa University of the Philippines-United Auctioneers at pumasok sa win column kahapon sa pagpapatuloy ng Superliga Invitational Conference sa Imus Sports Center sa Imus, Cavite.

Ngunit, nahirapan din ang Tornadoes sa pagsungkit sa kanilang unang panalo dahil lumaban ng husto sina Marian Buitre, Isa Molde, Justine Dorog, Rose Cailing at Adrianna Lagman kaya umabot sa apat na sets ang laban bago tuluyang yumuko ang Lady Fighting Maroons sa isang oras at 40 minutong labanan.

“Na-impressed ako sa panalo namin ngayon. At least nakuha na namin ang unang panalo. Ang ginawa naming paghihirap sa trai­ning ay nagbunga na rin,” ayon kay Dindin.

Samantala, magaang na naibulsa naman ng Phi­lippine national wo­men’s volleyball team ang panalo kontra sa Cignal HD, 25-21, 25-15, 25-21 sa non-bearing games.

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with