^

PSN Palaro

Makati itataya ang katatagan vs Batangas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Makati itataya ang katatagan vs Batangas
Tangan ang 2-0 win-loss card, haharapin ng Skyscrapers ni coach Cholo Villanueva ang Athletics sa alas-9 ng gabi pagkatapos ng laban ng Caloocan at Rizal sa alas-7 ng gabi.
https://www.facebook.com/MakatiSkyscrapers

MANILA, Philippines — Itataya ng Makati ang malinis na kar­tada sa pag­harap laban sa Anta Rajah Cup champion Ba­tangas City habang magtatagpo naman ang Caloocan at Rizal sa pagpapatuloy ng 2018 Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup ngayon sa Ba­tangas City Coliseum.

Tangan ang 2-0 win-loss card, haharapin ng Skyscrapers ni coach Cholo Villanueva ang Athletics sa alas-9 ng gabi pagkatapos ng laban ng Caloocan at Rizal sa alas-7 ng gabi.

Malakas ang kumpiyansa ng Skyscrapers bunga ng dalawang sunod na panalo, ang huli ay sa Manila Stars, 99-98  noong Hunyo 28 makaraan ang kanilang unang pananaig la­ban sa Basilan Steel, 77-65 noong Hunyo 19.

Sa panig naman ng Athletics, gusto ni coach Mac Tan na bumawi agad mula sa kanilang nata­mong 67-81 kabiguan sa mga kamay ng Bataan Risers noong Hunyo 27.

vuukle comment

018 MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

ANTA RAJAH CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with