^

PSN Palaro

Aces sinementuhan ang quarterfinals cast

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Aces sinementuhan  ang quarterfinals cast
Pinangalagaan ng Aces ang itinayong double-digit lead para sibakin ang Phoenix Fuel Masters, 114-91 sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. TNT Katropa vs Rain or Shine

6:45 p.m. San Miguel vs Magnolia

MANILA, Philippines — Kasabay sa pagpigil sa kanilang dalawang sunod na pagbulusok ay tuluyan nang inangkin ng Alas­ka ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive at kinumpleto ang eight-team quarterfinals cast.

Pinangalagaan ng Aces ang itinayong double-digit lead para sibakin ang Phoenix Fuel Masters, 114-91 sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang pang-walong pa­nalo ng Aces sa 11 laro ang nag-upo sa kanila sa No. 2 sa ilalim ng No. 1 Rain or Shine, kapwa magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa No. 7 at No. 8 teams, ayon sa pagkakasunod.

Naglista si Vic Manuel ng 28 mula sa 13-of-18 fieldgoal shooting bukod pa ang 9 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa Aces.

Ang pagkakasibak naman sa Phoenix ang nagpasok sa Barangay Ginebra, Globalport at Magnolia sa quarterfinals.

 Mabilis na naitayo ng Aces ang 34-17 bentahe sa first period bago nakalapit ang Fuel Masters sa halftime, 42-53.

Ang split ni Simpson ang nagbigay sa kanila ng 16-point lead, 60-44 sa 8:50 minuto ng third quarter laban sa Phoenix.

Lalo pang ibinaon ng Alaska ang Phoenix sa 108-81 buhat sa three-point shot ni Simon Enciso sa huling 2:39 minuto ng final canto.

vuukle comment

ACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with