^

PSN Palaro

Gilas binugbog uli ang Taiwan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas binugbog  uli ang Taiwan
Ganap na kinontrol ang second half, pinatumba ng Gilas Pilipinas ang Chinese-Taipei, 93-71 sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers kagabi sa Taipei Heping Basketball Gymnasium.
https://www.facebook.com/purefoodsbasketball

MANILA, Philippines — Sa kanilang rematch ay muling pinaluhod ng Nationals ang mga Taiwa­nese.

Ganap na kinontrol ang second half, pinatumba ng Gilas Pilipinas ang Chinese-Taipei, 93-71 sa third window ng 2019 FIBA World Cup  Asian Qualifiers kagabi sa Taipei Heping Basketball Gymnasium.

Umiskor si four-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 22 points habang nagdagdag sina Jayson Castro at Terrence Romeo ng 15 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang tinalo ng Nationals ang Taiwan, 90-83 sa first window noong Nobyembre sa Smart Araneta Coliseum.

Ang panalo ang nagbigay sa Gilas Pilipinas ng 4-1 record sa Group B katabla ang Australia (4-1) kasunod ang Taiwan (1-4) at Japan (1-4).

Tinakasan ng mga Ja­panese ang Boomers, 79-78 sa unang laro sa Japan.

Matapos kunin ang 44-37 abante sa halftime ay itinayo ng Nationals ang 11-point lead, 52-41 laban sa mga Taiwanese mula sa three-point shot ni Gabe Norwood  sa 7:11 minuto ng third period.

Saglit na nakalapit ang Taiwan sa pagtatapos ng naturang yugto hanggang ilista ng Gilas Pilipinas ang 88-71 kalamangan buhat sa dalawang free throws ni RR Pogoy sa huling 2:02 minuto ng final canto.

Samantala, matapos ang Taiwan ay sasagupain naman ng Gilas ang mas malalaki at mas malalakas na Australia sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa pagsagupa sa mga Boomers  ay makakaharap ng Nationals ang dalawang NBA players.

Magbabalik sa Australian team ni head coach Andrej Lamanis si NBA veteran point guard Matthew Dellavedova habang gagawin ni 7-foot-1 center Thon Maker ang kanyang debut.

Sina Dellavedova, mi­yembro ng championship team ng Cleveland Cavaliers noong 2016 at Maker ay parehong naglalaro sa NBA para sa Milwaukee Bucks.

vuukle comment

2019 FIBA WORLD CUP

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with