^

PSN Palaro

Suns, Kings nagpalakas, humugot ng higante

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK -- Alam ng mga dehadong koponan na kailangan nilang magpa­lakas para makasabay sa mga bigating tropa sa NBA.

Kahapon ay hinirang ng Phoenix Suns at Sacramento Kings sina 7-foot Deandre Ayton ng Arizona at 6’11 Marvin Bagley III ng Duke bilang No. 1 at No. 2 overall pick sa 2018 NBA Draft.

Sina Ayton at Bagley ang naging tallest tandem na 1-2 picks sapul noong 2006.

Si Ayton ay magi­ging sentro ng depensa ng Suns, nangulelat sa NBA sa points allowed para sa kanilang worst record sa nakaraang 2017-18 season.

Nanguna ang 19-anyos na si Ayton sa hanay ng mga national leaders sa rebounds (11.6 per game) at blocks (1.9 per game) sa nakaraang season.

Si Bagley, ay isa namang versatile frontcourt player na makakatulong sa Kings team na naglista ng fewest  points sa nakaraang NBA season.

Nagposte ang 19-anyos na si Bagley ng average na 21.0 points per game mula sa 61.4 percent shooting. 

Related video:

vuukle comment

NBA

PHOENIX SUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with