^

PSN Palaro

Perlas Spikers asam ang semis playoff

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itataya ng BanKo-Perlas ang malinis na record nito laban sa Iriga-Navy sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Reinforced Conference quarterfinal round sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang bakbakan ng Perlas Spikers at Lady Oragons sa alas-6 ng gabi habang masisilayan ang duwelo ng Pocari Sweat-Air Force at BaliPure-National University sa alas-4.

Umaariba ang BanKo Perlas hawak ang imakuladang 2-0 baraha habang nakabuntot sa kanila ang Pocari at Petro Gazz na may parehong 2-1 baraha kasunod ang BaliPure (1-1), Iriga (1-2) at Tacloban (0-3).

Kung makukuha ng Perlas ang panalo kontra sa Lady Oragons, mapapalakas nito ang tsansang makuha ang isa sa dalawang natitirang semis slots.

Matikas ang ratsada ng Perlas Spikers na ga­ling sa dalawang sunod na straight-set wins kabilang ang mabilis na 25-19, 25-14, 25-22 demolisyon sa Lady Warriors noong Sabado.

Malakas na puwersa ang nanggagaling kina American imports Lakia Bright at Thai reinforcement Jutarat Montripila ngunit maganda rin ang kontribusyon ng mga local players gaya nina Nicole Tiamzon, Joy Dacoron at Amy Ahomiro.

Solido rin ang kumbinasyon nina setter Jem Ferrer at libero Gizelle Tan at Ella De Jesus para ma­kabuo ng magagandang plays sa kanilang attackers.

Sa men’s division, masisilayan ang duwelo ng IEM Volley Masters ay Phi­lippine Air Force sa ala-una ng hapon.

vuukle comment

BANKO-PERLAS

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with