Kobe, Ricci swak sa 12-man Gilas team sa Asiad
MANILA, Philippines — Kumpleto na ang Philippine team na isasabak ni head coach Chot Reyes para sa darating na 18th Asian Games sa Palembang at Jakarta, Indonesia.
Ibinilang ni Reyes sa national squad sina Gilas Pilipinas cadets members Kobe Paras, Ricci Rivero at Abu Tratter.
Makakasama ng tatlo sina Jayson Castro, Terrence Romeo, Troy Rosario at Roger Pogoy ng TNT Katropa at naturalized center Andray Blatche sa 12-man lineup para sa Asiad na magaganap sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.
Nasa listahan din ang iba pang Tropang Texters na sina Kelly Williams, Jericho Cruz, Don Trollano at Anthony Semerad.
Ang unang plano ng PBA Board ay isabak ang mga TNT Katropa players sa Asian Games kasama si Blatche, ilang cadets at isang Alaska player.
Ang nasabing Aces player ay si small forward Carl Bryan Cruz.
Apat na gold medals ang napanalunan ng Pilipinas sa nasabing quadrennial event noong 1951, 1954, 1958 at 1962.
Sa huling edisyon ng Asiad noong 2014 sa Incheon ay tumapos ang Pilipinas sa seventh place sa bitbit na 3-4 record.
Ang tropang dinala ni Reyes ay kinabibilangan nina Jimmy Alapag, LA Tenorio, Gabe Norwood, Ranidel de Ocampo at naturalized center Marcus Douthit.
- Latest