^

PSN Palaro

Makati titulo ang puntirya sa MPBL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang iba kundi kampeonato ang target ng baguhang Makati sa kanilang unang pagsabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Tatawaging Skyscra-pers ang tropa bilang kinatawan ng nagtataasang gusali sa Makati.

At nais ni head coach Cholo Villanueva na ganito rin kataas ang kanilang pamantayan sa oras na sumalang ang kanilang baguhang grupo sa liga.

“Our main goal is to win the championship. We are representing Makati and we want to be number one. We joined the MPBL to win the championship. We’ll take it one game at a time,” wika ni Villanueva sa launching ng team noong Biyernes ng gabi sa Dasmariñas Village Pavilion sa Makati City.

Binubuo ang Skyscra-pers ng mga bagitong mga manlalaro kasama ang ilang beteranong magsisilbing gabay ng buong koponan.

“Our team is so young. Yun ang advantage namin, yung quickness, yung youth. We want to be a run and gun team so important ang conditioning. We have prepared about six weeks,” dagdag ni Villanueva na dating De La Salle University player at minsan nang ginawaran ng finals MVP.

Ilan sa mga aasahan ng Skyscrapers sina Philip Paniamogan, Mark Isip, Rudy Lingganay at James Ma-ngahas kasama ang ilang standouts mula sa Makati gaya nina Max Samonte, Carlo Loren, Carlos Morales at Roy Cayanan.

“We’re a very defensive-minded team. Same system when I was playing. I believe na offense wins games and defense wins championships. We’re u-sing the whole floor to give other teams a hard time playing offense against us,” dagdag ni Villanueva.

Makakasama ni Villa­nueva sa Makati sina team owners Paolo Orbeta at Paolo Pineda at team ma­­nager Martin Arenas.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with