^

PSN Palaro

Teng out na sa Commissioner’s Cup

Chris Co, Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Abueva problema rin ng Aces

MANILA, Philippines — Posibleng hindi na masilayan si Jeron Teng sa mga nalalabing laro ng Alaska sa PBA Commissioner’s Cup.

Bibigyan ng Alaska management ang kanilang prized rookie ng sapat na panahon upang makarekober at ma­kabalik sa tamang kundisyon matapos ang insidenteng kinasangkutan nito noong Linggo sa Taguig City.

Sinabi ni Alaska mentor Alex Compton na mawawala si Teng sa loob ng anim hanggang walong linggo o mas matagal pa depende sa payo ng mga doctor.

“He is still in the hospital and he’s out for awhile. I’m not certain yet to give that exact estimation to protect my own way of thinking. I’m thinking probably he is not playing in the entire conference,” wika ni Compton.

Nagtamo si Teng ng malalalim na sugat matapos masaksak sa Fort Strip area sa Bonifacio Global City (BGC) kasama sina Norbert Torres ng Rain or Shine at free-agent Thomas Torres.

Ngunit idineklara nang ligtas ang tatlong manlalaro.

Kailangan lamang nina Teng at Thomas ng sapat na panahon para magpagaling habang bahagya lamang nasaktan si Norbert na agad namang nakalabas ng ospital nang malapatan ito ng paunang lunas.

Tiwala si Compton na mapapabilis ang paggaling ni Teng upang makabalik agad ito sa paglalaro.

“We are just happy that he is alive and none of his vital organs were hit. At this point, he should follow whatever the doctor tells him to do to recover,” dagdag ni Compton.

Ayon naman kay Taguig, Southern Police District director C/Supt Tomas Apolinario Jr. na nasampahan ng frustrated homicide at serious physical injuries ang mga suspects  na sina 37-anyos Williard Balisi at Edmar Manalo, 40.

Hiniling din ng abogado ni Teng  na si Atty. Howard Calleja na ilagay sa hold departure order ang dalawang suspects na naka-base overseas. Ang ikatlong suspect ay si Joseph Varona, 39.

Panibagong dagok ito para sa Aces dahil hindi rin su­misipot si Calvin Abueva sa mga ensayo ng tropa.

Walang Abueva ang dumating sa practice ng Aces sa Gatorade Hoops Dome kahapon.

“He is still not sho­wing up. I hope he’s okay although some people seen him but we don’t,” ani Compton. 

Ayon sa  source,  may kaugnayan umano sa personal problem ang 6’3 forward na si Abueva kaya hindi ito naglaro sa nakaraang game  ng Alaska kontra sa Globalport noong Sabado.

“Maybe he is facing again personal problem,” sabi ni Danny Espiritu, ang agent ni Abueva na ibinunyag din na hanggang ngayon hindi pa nila ma-kontak ang Gilas Pilipinas player na si Abueva.

vuukle comment

JERON TENG

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with