^

PSN Palaro

Brownlee bubuhayin ang tsansa ng Ginebra

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa paglalaro ni resident import Justin Brownlee ay kumpiyansa si head coach Tim Cone na lalakas ang tsansa ng Barangay Ginebra na makamit ang isa sa walong silya sa quarterfinal round.

“He gives us, pla­yers and coaching staff, confidence and renewed e­nergy, and we’re hoping his presence will get us over the hump this weekend,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion mentor kay Brownlee.

Ibabandera ng Gin Kings si Brownlee sa kanilang pagsagupa sa karibal na Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang upakan ng TNT Katropang Texters at Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa pagkuha kay 6-foot-10 reinforcement Charles Garcia ay nalugmok ang Ginebra sa 1-3 record katabla ng nagdedepensang San Miguel  habang taglay ng Meralco ang 3-2 baraha sa ilalim ng Rain or Shine (5-1), TNT Katropa (4-1), Alaska (4-1) at Magnolia (3-1).

Nanggaling ang 6’5 na si Brownlee sa pagtulong sa SMB-Alab Pilipinas sa paghahari sa nakaraang Asean Basketball League kung saan nakatuwang niya si Renaldo Balkman ng Beermen.

Sa Linggo ay makaka­sagupa ng Ginebra ang San Miguel na magtatampok sa tapatan nina Brownlee at Balkman.

“We have a tough make or break weekend ahead and we need some sense of urgency since we’re pulling up the rear in the standings,” wika pa ni Cone.

Sa unang laro, pupuntiryahin naman ng Tropang Texters ang kanilang pang-limang panalo sa pagharap sa Dyip, may 3-3 marka kagaya ng Globalport Batang Pier at Phoenix Batang Pier.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with