^

PSN Palaro

Blazers ikakasa ang q’finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Papanain ng College of St. Benilde ang unang tiket sa quarterfinals sa pakiki­pagtipan nito sa Adamson University ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Blazers ang mapanganib na Soa­ring Falcons sa alas-4:30 ng hapon habang magtutuos naman ang Ateneo De Manila University at National University sa alas-7 ng gabi.

Hawak ng Benilde ang solong liderato sa Group B tangan ang imakuladang 5-0 baraha.

Halos dalawang linggo ring napahinga ang Bla­zers.

Tinalo nito ang University of Santo Tomas, 99-87 may siyam na araw na ang nakalilipas kung saan nangibabaw sina Clement Leutcheu, Edward Dixon at JJ Domingo.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Bla­zers para awtomatikong masikwat ang silya sa quarterfinals.

Sa kabilang banda, puntirya ng Ateneo na makisalo sa liderato sa Group A kasama naman ang La Salle (5-0).

Mas matagal na napahinga ang reigning UAAP champions Ateneo. (CCo)

vuukle comment

2TH FILOIL FLYING V

ADAMSON UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with